MMCHD NEWS RELEASE NO. 152
December 19, 2022
Binisita ng Department of Health (DOH) ang mga pasilidad ng Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital and Sanitarium (DJRMHS) sa Caloocan City, noong ika-16 ng Disyembre, 2022.
Ito ay sa pangunguna nina DOH Officer-in-Charge, Undersecretary Maria Rosario S. Vergeire at Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa kasama ang Medical Center Chief ng DJRMHS na si Dr. Alfonso Victorino H. Famaran, Jr.
Kabilang sa mga inikot at binisita ng mga opisyal ng DOH ang molecular at diagnostic laboratories na tumutugon sa mga pangangailangang COVID-19. Gayundin ang isolation facility at Intensive Care Unit (ICU) ng ospital.
Bukod sa mga nabanggit, ay minabuti ring pinuntahan at tingnan ng DOH ang mga dialysis machine ng ospital.
Mababatid na maliban sa hatid na dialysis services, mayroon rin ang DJRMHS ng mga serbisyong kagaya ng physical, occupational therapy, at mga serbisyong may kaugnayan sa radiology, laboratory at medical-social services and assistance.