MMCHD NEWS RELEASE NO. 143
December 1, 2022
Kasabay ng selebrasyon ng Lung Cancer Awareness Month, inilunsad ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang Smoke-Free Manila Bay kasama ang Environment and Natural Resources - National Capital Region (DENR-NCR) Department of Department of Interior and Local Government – NCR (DILG-NCR), Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Lokal na Pamahalaan ng Maynila, Action on Smoking and Health (ASH) Philippines, at Asia Pacific Cities Alliance for Health and Development (APCAT).
Ito’y kung saan nagsimula ang programa sa pagsasayaw ng Zumba sa pangunguna ng mga staff ng MMDA bilang paraan ng pag-eehersisyo tungo sa malusog na pangangatawan.
Ayon kay DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa, ang cancer ang nangunguna sa tatlong dahilan ng pagkamatay sa bansa, kasunod ang sakit sa puso at vascular systems. Iginiit pa nito na ang paninigarilyo ang siyang dahilan ng pagtaas sa 80-90% ng bilang ng pagkasawi bunsod ng sakit sa baga sa kaparehong babae at lalaki.
Para sa kadahilanang ito, ay itinataguyod aniya ng DOH-MMCHD ang Smoke-Free Environments gaya sa Dolomite Beach na magtutulak sa mga Pilipino na huminto sa paninigarilyo, i-practice ang healthy lifestyle tungo sa malusog na pangangatawan para sa mas mahabang buhay, gayundin para sa mas maaliwalas na kapaligiran.
"Ang pagpapanatili ng malinis na hangin para sa kapakanan ng kasalukuyan at hinaharap na henerasyon ay isa sa dahilan bakit natin ito ginagawa. Nais namin ipaalam sa lahat na responsibilidad ng bawat isa na panatilihing malusog ang pangangatawan at kapaligiran para sa kapakanan ng lahat" dagdag pa ni Dir. Balboa.
Samantala, bahagi rin ng programang ito ang Ceremonial Unveiling ng No Smoking Signages at Pledge of Commitment kung saan lumagda ang mga kinatawan ng mga ahensya ng gobyerno at pribadong organisasyon na dumalo bilang simbolo ng kani-kanilang pakikiisa sa Tobacco Control Program at pangako na sila'y susuporta sa hangarin na maging 100% smoke at vape-free ang buong Metro Manila.
Kabilang sa mga dumalo sa Smoke-Free Manila Bay event sina DILG-NCR Director for Institutional and Partnership Dir. Sudi Valencia, DENR-NCR Assistant Regional Director Manuel Escasura, MMDA Assistannt Regenral Manager Jose V. Campo, Manila City Representative Mrs. Zheen Mier Nieto Flores, ASH Philippines Senior Program Officer Mr. Sonny Paje, at APCAT Country Representative Dr. Madeleine Valera.