LATEST NEWS

DOH, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG NATIONAL BIKE DAY BIKE LAND AWARDS 2022 AND WHEELS FOR WORK CAMPAIGN

MMCHD NEWS RELEASE NO. 142
November 29, 2022

Kasabay ng pagdiriwang ng National Bicycle Day noong ika-27 ng Nobyembre, 2022, inorganisa ng Inter-Agency Task Force Technical Working Group (IATF TWG) on Active Transport ang Bike Lane Awards 2022 upang bigyan ng karangalan ang mga siklista at kilalanin ang pagsisikap ng iba't ibang stakeholder sa pagsusulong ng mga ito sa pagbibisikleta bilang isang uri ng transportasyon sa bansa.

Ito'y kung saan nakiisa sa nasabing aktibidad ang Department of Health (DOH) sa pangunguna nina Undersecretary Beverly Lorraine Ho at Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa kasama ang iba pang opisyal ng ilang ahensya ng gobyerno at pribadong sektor. Kabilang na rin dito sina Department of Transportation (DOTr) Secretary Jaime Bautista at Undersecretary Mark Steven C. Pastor, Department of Public Works & Highways (DPWH) Assistant Secretary Eric Ayapana, Ayala Foundation President Ruel Maranan, Makati Business Club Trustee Jose Victor Paterno, Move As One Coalition Convenor Robert Sir Jr., Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg at Netherlands Deputy Ambassador to the Philippines Robert Van Der Hum.

Sa talumpati ni Usec. Beverly Ho, tinalakay nito ang kahalagahan ng pagbuo ng sapat na aktibong imprastraktura ng transportasyon sa pagbibigay-daan sa mga Pilipino na magkaroon ng healthy habits, tulad ng regular na pagsali sa mga pisikal na aktibidad.
Sa layuning ito, ay binigyang-diin ni Usec. Beverly Ho ang mga pagsisikap ng DOH sa pagsuporta sa aktibong mga hakbangin sa transportasyon sa ilang lokal na pamahalaang lungsod tulad ng Cordova, Isabela, Aklan, Marikina, at Bulacan, sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal at teknikal.

Pinuri rin nito ang pagsisikap ng mga nanalong lokal na pamahalaang lungsod sa Active Transport ang Bike Lane Awards 2022, partikular na ang Mandaue City, Quezon City, at IloIlo City.

Samantala, natapos naman ang nasabing programa para sa National Bicycle Day sa isang Ceremonial Bike Ride kasama ang ilang opisyal ng gobyerno sa Ayala Triangle Gardens sa Makati City.