MMCHD News Release No. 141
November 23, 2022
Lubos na nagpasalamat si Department of Health (DOH) Officer-in-Charge, Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire sa gobyerno ng Estados Unidos sa patuloy na pagtulong sa Pilipinas sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba pang sakit sa pamamagitan ng pagbibigay ng pondo, supplies at technical assistance na aniya'y nakapag ligtas ng buhay ng maraming Pilipino.
Ang pasasalamat ni Usec. Vergeire ay kasunod ng pag-anunsyo ni United States Second Gentleman Douglas Emhoff na pagbibigay ng karagdagang 5 milyong dolyar o may katumbas na humigit-kumulang P286 million para sa pagtugon sa COVID-19 pandemic at iba pang mga sakit gaya ng tuberculosis ng bansa.
Nagkasama sina Usec. Vergeire at Mr. Emhoff sa pagbisita ng Unites States Agency for International Development (USAID) sa Gregoria De Jesus Elementary School sa Caloocan City kahapon, ika-21 ng Nobyembre, 2022 kasama ang ilang opisyal ng Department of Education (DepEd) at lokal na pamahalaan ng Caloocan para sa Healthy and Safe Back to School Event.
Dito rin opisyal na inabot ni Mr. Emhoff kina Usec. Vergeire at Caloocan City Mayor Dale Donzalo Malapitan ang mga donasyong COVID-19 supplies.
Pinangunahan rin nina Usec. Vergeire at Mr. Emhoff ang storytelling ng "Tibay ng Dibdib" storybook sa mga grade school students kung saan tampok ang istorya ng dalawang studyante na nakaligtas sa sakit na tuberculosis.
Samantala, dumalo rin sa nasabing Healthy and Safe Back to School Event sina USAID Deputy Chief of Mission Ms. Heather Variava, USAID Mission Director Mr. Ryan Washburn, DepEd Assistant Secretary for Youth and Special Concerns at Metro Manila Center for Health Development Regional Director Dr. Gloria Balboa, and DepEd officials held at Gregoria De Jesus Elementary School, Caloocan City.