MMCHD NEWS RELEASE NO. 139
NOVEMBER 22, 2022
Pinangunahan ni Department of Health-Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria J. Balboa ang panunumpa ng 34 health workers ng Valenzuela Medical Center (VMC) sa kanilang ika-43 ng anibersaryo noong ika-18 ng Nobyembre, 2022.
Ang mga health workers na nabanggit ay nanumpa bilang Medical Officer, Medical Technologist, Social Welfare Officer, Radiologic Technologist, Nurse Attendant at Pharmacist ng nasabing ospital.
Samantala, kasabay ng anibersayo ang kanilang paggunita sa World Mental Health Day na may temang “Make Mental Health for All a Global Priority”. Dahil dito, naghanda ang VMC ng isang linggong aktibidad para sa kalusugang pangkaisipan ng mga manggagawa ng ospital gaya ng pasasagawa ng yoga exercise at pagkakaroon ng ‘self-care’ services tulad ng hair care treatment at marami pang iba.
May inihanda ring patimpalak ang VMC kung saan binalot ng makukulay na disenyo ang bawat opisina na sumasailalim sa mga pistang ginugunita sa Pilipinas.
Nanalo sa paligsahan ang mga sumusunod:
3rd Place - Operating Room and Delivery Room (Panagbenga Festival)
2nd Place - 3rd Floor Annex Building (Sinulog Festival)
1st Place- 2nd Floor Annex Building (Panagbenga Festival)
Sa mensahe ni Dir. Balboa, aniya, ang Kagawaran ng Kalusugan ay lubos na nagpapasalamat sa pagsusumikap ng mga manggagawang pangkalusugan sa pagsagip ng buhay ng tao. Kaniyang pinangako na gagawin ng ahensya ang lahat para pahalagahan ang mga ito lalo na ang kanilang kalusugang pangkaisipan.