DOH-MMCHD NEWS RELEASE NO. 137
November 18, 2022
"I fully appreciate this initiative of the National Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Medical and Dental Unit (RMDU) to hold a vaccination fair, promoting a one-stop shop, especially for our uniformed personnel who need to first and foremost get protected, as they look after our citizenry."
Ito ang ipinabatid na mensahe ni Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa sa pagdalo nito sa isinasagawang Vaccination Fair ng NCRPO sa Camp Bagong Diwa, Bicutan, Taguig City kahapon araw ng Huwebes, ika-17 November, 2022.
Binigyang diin rin ni Dir. Balboa sa kanyang talumpati ang kahalagahan ng mga bakunang ibinibigay sa Vaccination Fair na ito ng NCRPO, gaya ng bakuna para sa pneumonia, typhoid, flu at COVID-19.
Bagay na, sinang-ayunan rin ni Mrs. Mary Grace "Gaykee" L. Azurin, Adviser of Officers' Ladies Club.
Ayon pa kay Mrs. Azurin, ang pagbabakuna ay nananatiling pinaka epektibong paraan upang makaiwas sa iba’t ibang mga sakit. Kaya naman hinikayat nito ang mga kapulisan na magpabakuna na laban sa pneumonia, typhoid, flu at COVID-19 upang magkaroon ng karagdagang proteksyon at mapabuti pa ang kanilang pagseserbisyo sa mga Pilipino.
Samantala, ginawaran naman ng NCRPO si Dir. Balboa ng Plaque of Appreciation para sa pagsuporta nito sa isinagawang Vaccination Fair.
Dumalo rin sa nasabing aktibidad sina Acting Regional Director ng NCRPO na si PBGen. Jonnel C. Estomo, Acting Director ng NCRPO Health Service na si PCol. Jezebel D. Medina, President ng Officer’s Ladies Club na si Mrs. Leticia “Letlet” O. Cruz at Internal Vice President ng Officer’s Ladies Club na si Mrs. Ann Janette “AJ” Olay.