LATEST NEWS

MGA LOKAL NA PAMAHALAAN SA METRO MANILA, GINAWARAN NG PLAQUE OF APPRECIATION NG DOH-MMCHD SA 2021 LGU HEALTH SCORECARD CONFERENCE

MMCHD NEWS RELEASE NO. 136

Tumanggap ng Plaque of Appreciation ang 17 Local Government Units (LGUs) sa Metro Manila, sa isinagawang 2021 Metro Manila LGU Health Scorecard (HSC) Conference ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD), noong ika-15 ng Nobyembre, 2022 sa Hive Hotel, Quezon City.

Ito ay matapos ang kanilang aktibong partisipasyon sa pagpapanatili ng mataas na antas nang pagpapatupad ng mga pangunahing reporma sa kalusugan sa rehiyon.

Ang LGUHSC ay isa sa mga pangunahing bahagi ng Monitoring and Evaluation Framework for Republic Act (R.A.) 11223 o mas kilala rin sa tawag na Universal Health Care Act (UHC), na siyang ginagamit bilang pangunahing kasangkapan sa pagsusuri sa pagpapatupad ng mga reporma sa kalusugan at pagtukoy sa mga estratehiya kinakailangang pagbutihin.

Bukod dito, ginawaran rin ang apat pang lungsod sa rehiyon dahil sa kanilang katangi-tanging pagpapatupad ng mga repormang pangkalusugan para sa pagsasakatuparan ng UHC sa kanilang lokal na pamahalaan. Ito ay ginawad sa Valenzuela City, Quezon City, San Juan City at Paranaque City.

Sa mensaheng ipinabatid ni Field Operation Cluster (FOC) Head, Dr. Philip Patrick Co, kaniyang pinaalalahanan ang sa kahalagahan ng pagpapanatili ng mataas na kalidad ng serbisyo at kung gaano kalaki ang epekto ng mga serbisyong ito sa buhay ng mamamayan – kung paanong nakakaligtas ng buhay ang mga ito.

Samanatala, ayon naman kay DOH-MMCHD Regional Director, kaniya pang sinusubok ang mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila na panatilihin ang kanilang pagsusumikap at mas pagbutihin pa ang paghahatid ng serbisyo sa publiko.

Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ng mga LGU Health Officers ng lahat ng lungsod at munisipalidad sa Metro Manila.