MMCHD NEWS RELEASE NO. 132
November 3, 2022
Patuloy na kinikilala ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang mga medical frontliners na nangunguna sa pagsugpo sa pandemya bunsod ng COVID-19, lalo na sa mga binawian ng buhay sa ngalan ng pagbibigay serbisyo sa publiko.
Ito’y kung saan muling nagpaabot ang DOH-MMCHD ng death compensation sa dalawang pamilya ng mga yumaong health workers sa National Capital Region (NCR). Ang kompensasyong inabot ay nagkakahalaga ng tig isang milyong piso (1 Million Pesos), ngayong araw ng Huwebes, ika-3 ng Nobyembre, 2022.
Ayon kay DOH-MMCHD Gloria J. Balboa, ang pagbibigay ng death compensation sa mga pamilya ng mga health workers ay senyales ng pagpapakita ng gobyerno ng pagpapahalaga at pagpapasalamat sa mga health workers nagbuwis buhay mapagaling lamang ang mga Pilipino na tinamaan ng COVID-19.
Nagpahayag naman ang dalawang nakakuha ng death compensation ngayong araw na malaking bagay at kapaki-pakinabang ang kanilang natanggap na tulong mula sa gobyerno para sa pagpapatuloy ng pag-aaral ng kanilang mga anak.
Samantala, inaabisuhan naman ang mga nais mag apply ng COVID-19 compensation sa DOH-MMCHD na tumawag o magtext sa (02) 8811.1606, (02) 8811.1512, (8)5310.026 to 27 loc. 123/103, 0970-464-7549 (Viber) o mag-email sa ncrcovidclaims2@ncro.doh.gov.ph para sa mga dokumento na kinakailangan isumite.