LATEST NEWS

19TH PHILIPPINE NATIONAL HEALTH RESEARCH FORUM FOR ACTION O PNHRFA, BINUKSAN NG DOH NITONG ARAW NG HUWEBES, IKA-20 NG OKTUBRE, 2022

MMCHD News Release No. 131
October 21, 2022

QUEZON CITY—Binuksan ng Department of Health (DOH), sa pangunguna ng Health Policy Development and Planning Bureau (HPDPB), katuwang ang Metro Manila Center for Health Development (MMCHD), ang 19th Philippine National Health Research Forum for Action (PNHRFA) with enhanced Regional Partnership nitong araw ng Huwebes, ika-20 ng Oktubre,. Ito ay may temang “Advancing Universal Health Care Through Evidence-based Health Policy and Systems Research.” Ang naging panimula ng nasabing Research Forum ay isinagawa rin bilang pakikiisa sa World Evidence-based Healthcare Day campaign.

Sinimulan ni DOH Health Policy and Infrastructure Development Team (HPIDT) Undersecretary Kenneth G. Ronquillo ang programa na ginanap sa Novotel Manila Araneta, kung saan kanyang binahagi ang kahalagahan ng mga epektibong pag-aaral sa paglikha ng mga polisiya. Kaniya ring binigyang pagkilala ang mga tao sa likod ng forum, “the research community comprises of representatives from the National Government Agencies, regional research consortia, the academe, research partners and organizations, is crucial in propelling our country towards achieving better health outcomes and integrated strategy for evidence generation.”

Dagdag ni HPIDT Director Frances Rose E. Mamaril, ang NHRFA sa taong ito ay naglalayong magpalawak at magpatatag ng mga koneksyon sa mga rehiyon sa loob at maging sa labas ng bansa, “the campaign will be focusing how partnerships within and across the global evidence ecosystem work to bridge research, policy, and practice, and realize the potential of evidence-based health care.”

Pinatatag naman ni DOH Officer-in-Charge Ma. Rosario S. Vergeire sa isang video message, ang kahalagahan ng NHRFA, giit nito, “every research forum is geared towards addressing health policy and research issues of this time.” Ginawang halimbawa nito ang limitasyon sa pagpupulong noong 2020 dahil sa pandemya, kung saan nagbukas ng oportunidad upang ganapin ang kauna-unahang birtwal na forum na siyang umani ng magagandang salita mula sa mga mananaliksik.

Ibinahagi ni OIC Vergeire ang mga magiging usapin tulad ng service delivery, healthcare workforce, health system financing, access to essential medicine, leadership governance and health information system, social determinants of health, and regional consortium presentations. Ilan lamang ito sa marami pang teknikal na aspetong tatalakayin ng Research Forum, na nakalinya sa Universal Healthcare Act (UHC).

Sa pagpapatuloy ng programa, nagkaroon ng paglagda ng lahat ng panauhin sa Pledge of Commitment at nagbahagi ng mga presentasyon sina Dr. Leonila F. Dans—isang propesor mula sa University of the Philippines Manila College of Medicine, mga kinatawan ng United Kingdom National Institute for Health and Care Excellence (NICE), Director Ruxana Jina ng Vital Strategies Data Impact Program, at Ms. Merla Rose Reyes, Chief ng Philhealth Social Insurance Specialist.

Nagbahagi naman ng ilang polisiya at guidelines sina HPDPB Health Research Division Chief Mr. Pio Justin V. Asuncion, Disease Prevention and Control Bureau (DPCB) Director Razel Nikka M. Hao, at DPCB Evidence Generation and Management Division Lead, Dr. Ruth Divine D. Agustin.

Pinarangalan din ang mga hospital at health facility na may naaprubahang mga Clinical Practice Guidelines (CPG) sa iba’t ibang uri ng serbisyong pangkalusugan, na siyang tatagal ng hanggang limang taon sa publikasyon nito.

Sa huli, nagpasalamat si MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa sa lahat ng dumalo at nagbigay motibasyon sa lahat ng lalahok sa mga susunod na kaganapan para sa NHRFA.

Samantala, nandoon din sina MMCHD Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal, mga kinatawan ng Health Technology Assessment Council (HTAC) na sina former DOH Assistant Secretary Agnette P. Peralta at former Philippine Medical Association President, Dr. Maria Minerva P. Calimag.

Ang PNHRFA o ang pagbubuklod ng mga mananaliksik para sa kalusugan ay isinasagawa bawat dalawang taon, mula pa sa pagkakatatag nito noong taong 2001. Sa pagkakataong ito, tatakbo ang Research Forum hanggang Nobyembre gamit ang halong virtual platforms and face-to-face sessions.