LATEST NEWS

DOH-MMCHD NANGAKO NA PATULOY NA PALAKASIN ANG PAGPAPATUPAD NG MGA KAMPANYA AT PROGRAMA SA KALINISAN NG KAMAY SA PAG-GUNITA NG 2022 GLOBAL HANDWASHING DAY

MMCHD NEWS RELEASE NO. 127

OCTOBER 19, 2022

“We, from the Department of Health (DOH), commit to continue to strengthen our implementation of our hand hygiene campaigns and programs to ensure the health of Filipino children and their families, working towards a Healthy Pilipinas.”

Ito ang ipinangako ni DOH-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa nang makiisa ito sa selebrasyon ng 2022 Global Handwashing Day sa Marikina Elementary School, nitong araw ng Biyernes, ika-14 ng Oktubre, 2022.

Nagpapasalamat rin si Dir. Balboa sa pribado at pampublikong sektor gaya ng pamahalaang lungsod ng Marikina, Department of Education (DepEd), United Nations Children's Fund (UNICEF) at World Health Organization (WHO) dahil sa pagpapaigting ng handwashing programs sa National Capital Region (NCR) upang mabigyan ng access ang mga paaralan sa handwashing facilities at mapanatili ang kalinisan ng kamay at kalusugan.

Nagpahayag rin ng kani-kanilang mga supporta at pangako sa mga kabataan para sa masiglang pagbubukas ng paaralan sina Marikina Councilor Mr. Larry Punzalan, DepEd Bureau of Learner Support Director Mr. Lope D. Santos III, UNICEF Philippines Representative Ms. Oyunsaikhan Dendevnorov, at WHO Representative to the Philippines Dr. Graham Harrison.

Kabilang sa mga aktibidad na isinagawa para sa selebrasyon ng 2022 Global Washing Day ay ang pagtuturo ng DepEd ng kahalagahan ng kalinisan ng kamay sa pagtiyak ng ligtas na pagbabalik eskwelahan at pagtuturo ng DOH ng Hand Hygiene Behavior Change sa mga komunidad gayundin ang DOH Playbook on behavioral nudges sa paghuhugas ng kamay.

Sa huli, sabay-sabay namang naghugas ng kamay ang mga kinatawan ng pribado at pampublikong sektor na dumalo sa nasabing aktibidad.

Samantala, kabilang rin sa mga dumalo at nagpakita ng suporta mula sa pribadong sektor ay ang mga kinatawan ng Manila Water Foundation, Parent Teachers Association, Save the Children, Action Against Hunger, at Philippine Red Cross.