NEWS RELEASE No. 118
September 17, 2022
Nakiisa ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa taunang International Coastal Clean-up (ICC) drive ng Department of Environment and Natural Resources-National Capital Region (DENR-NCR) at Environmental Management Bureau-NCR (EMB-NCR) na ginaganap tuwing sasapit ang buwan ng Setyembre.
Ipinagdiriwang nitong Sabado, ika-17 ng Setyembre 2022 ang ika-37 na ICC na may temang "Fighting for Trash Free Seas-Pilipinas: Ending the Flow of Trash at the Source". Ito ay pinasinayaan sa likod ng Gloria Maris, Cultural Center of the Philippines, Pasay City kasabay ang pito (7) pang coastal sites sa Metro Manila.
Nagbigay ng mga gamot gaya ng Doxycycline na para sa Leptospirosis at prophylaxis na iniinom ng mga taong lumulusong sa kontaminadong tubig ang DOH-Metro Manila Center for Health Development sa bawat lokasyon na kabilang sa aktibidad na ito. Kasabay nito ang pagbibigay ng mga kaalaman tungkol sa kalusugan kaugnay sa nasabing clean-up.
Samantala, matatandaang naglunsad ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) katuwang rin ang DOH at ang Manila Water noong ika-10 ng Setyembre, 2022 ng Synchornized Clean-up Drive of Waterways sa NCR na inaasahan magpapatuloy tuwing sabado ng Setyembre.
Tulad ng pagtulong sa ICCP, nagbigay din ang DOH-MMCHD ng mga gamot na magagamit para sa waterways clean-up drive.
Ang clean-up drive ng DENR, EMB at MMDA ay parehong dinaluhan ng mga kawani ng DOH-MMCHD sa pangunguna ng Environmental and Occupational Health Cluster (EOHC).