MMCHD NEWS RELEASE NO. 117
SEPTEMBER 15, 2022
Pinangunahan ng Department of Health (DOH) kasama ang iba pang ahensya ng gobyerno na kaagapay sa paglaban kontra COVID-19 ang paglulunsad ng PinasLakas Vaccination Campaign sa San Miguel Corporation sa Mandaluyong City kahapon, ika-14 ng Setyembre, 2022.
Sa pagbanggit Na pagkawala ng kanyang asawa dahil sa COVID-19 noong wala pang mga bakuna, binigyang-diin ni Mandaluyong City Mayor Benjamin Abalos Sr. ang kahalagahan ng pagkuha ng pagkakataon na mabakunahan at mapalakas para sa karagdagang proteksyon. Nagpahayag din ito ng pasasalamat sa San Miguel Corporation at DOH sa pagpapalapit ng mga bakuna sa mga mamamayan ng lungsod.
Nagpasalamat rin si Mr. Ramon Ang, President at CEO ng San Miguel Corporation sa DOH sa pangunguna nito sa paglulunsad ng PinasLakas sa kanilang korporasyon, na aniya’y naglapit ng mga bakuna sa kanilang mga empleyado.
Ipinabatid rin ni Mr. Ang ang patuloy nilang pagsuporta sa kampanyang ito ng gobyerno gayundin ang pagpapatuloy sa kanilang hangarin na mabakunahan ang kanilang mga kawani at pamilya upang maprotektahan ang komunidad.
Samantala, ipinabatid rin ni DOH Officer-In-Charge, Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire ang pasasalamat ng ahensya sa San Miguel Corporation, Mandaluyong City, Department of Interior and Local Goverment (DILG), Department of Labor and Employment (DOLE) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa suporta na ibinibigay ng mga ito sa pagsugpo kontra COVID-19.
“Let us remember that we can only work if we are healthy, so we need to ensure that we are protected at all times. This is why we continue to encourage everyone to participate in all our vaccination efforts, because no one is safe until everyone is safe.", dagdag pa ni Usec. Vergeire.
Mababatid na dumalo rin sa paglulunsad na ito sina DILG Assistant Secretary Elizabeth Lopez-De Leon, DOLE Director of Working Conditions Bureau Atty. Alvin Curada, MMDA Acting Chairman Engr. Carlo Dimayuga III at Mandaluyong City Health Officer Dr. Arnold C. Abalos.