eptember 6, 2022
MMCHD News Release No. 114
Isang Motor Transport Vehicle – Patient Transport Vehicle (PTV) ang natanggap ng Barangay 56, Zone 5 ng unang distrito ng lungsod ng Maynila, sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel F. Zubiri, ngayong araw ng Martes, ika-6 ng Setyembre, 2022.
Naganap ito sa isang turnover program ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD).
Ipinagmalaki ni DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa ang mabilisang pagtugon ng ahensya sa natukoy na pangangailangan para sa PTV at pagsiguro na kalidad ang equipment na nakapaloob dito.
Iginiit naman ni Dir. Balboa na ang pagbibigay ng PTV ay naglalayong mas mapaganda ang serbisyong pangkalusugan sa Barangay 56, lalo na sa mga pagkakataong kinakailangan dalhin ng mabilis at ligtas ang isang pasyente sa isang health facility.
Ipinaalala naman nito na ang sasakyan ay para sa emergency lamang at hindi sa iba pang gamit.
Malugod na tinanggap ni Barangay 56 Captain Dale Evangelista ang PTV. Aniya, “ito po ay pinangako namin sa aming mga kabarangay na balang araw, magkakaroon kami ng ambulansya. Ito na po ngayon, dahil kay Senate President Juan Miguel Zubiri.”
Ipinahayag naman ni Mr. Gerald Dequina mula sa tanggapan ni Sen. Zubiri ang patuloy na pagsuporta at pagtulong ng kanilang opisina sa mga barangay o lungsod upang mapabuti ang kalidad ng pagbibigay serbisyo sa publiko lalo na’t hinggil sa pangkalusugan.
Sa huli, nagpasalamat ang unang distrito ng Manila sa tanggapan ni Sen. Zubiri at sa DOH-MMCHD, sa pangunguna ni Mr. Ron Cruz na kumatawan kay Congressman Ernesto “Ernix” Dionisio Jr.