MMCHD News Release No. 105
August 11, 2022
Matagumpay na isinagawa ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ang tatlong virtual townhall session sa magkakasunod na araw bilang bahagi ng PinasLakas COVID-19 Vaccination Campaign noong ika-3 hanggang ika-5 ng Agosto, 2022.
Adhikain ng townhall sessions na ito na hikayatin ang publiko upang maging bahagi sa pagpapaigting ng ahensya sa pagbabakuna kontra COVID-19.
Ito ay alinsunod sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na mabigyan ng kumpletong bakuna ang 90% ng senior citizens at mabigyan ng booster shots ang 50% ng general population sa loob ng unang 100 araw ng administrasyon.
Unang isinagawa ang townhall session para sa mga kapitan at opisyal ng mga barangay sa Metro Manila noong ika-3 ng Agosto. Dito, ipinaliwanag ni vaccine expert panel for COVID-19 Chairman, Dr. Nina G. Gloriani ang kahalagahan ng pagbabakuna at kung bakit kinakailangan ang booster shot.
Aniya, ang pagkakaroon ng iba't ibang variant ay isa sa mga dahilan kung bakit hindi na naging sapat ang proteksyong dala ng paunang bakuna o primary series vaccine. Kaya naman, kinakailangan umano "i-update" ang vaccination status o proteksyon laban sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagbabakuna ng booster doses.
Samantala, inilahad naman ni DOH-MMCHD Health Promotion Unit Head Dr. Kezia Lorraine Rosario ang mga maaring gawin ng Barangay Level upang mahikayat ang mga nasasakupan nito na magpabakuna gaya ng pagsasagawa ng community assemblies, fun runs, face-to-face dialogues, family session at iba pa.
Sa ika-4 at ika-5 ng Agosto naman ay nagsagawa muli ang ahensya ng townhall para sa mga mag-aaral, propesor, at iba pang mga empleyado ng mga unibersidad at kolehiyo maging ang iba pang nagtatrabaho sa institu syong pang-edukasyon. Gaya ni Dr. Gloriani at bahagi rin ng vaccine expert panel ipinaliwanag din ni Dr. Rontgene Solante ang kahalagahan ng bakuna habang ipinaliwanag ni Dr. Anna Lisa Ong-Lim mula Technical Advisory Group Pediatric Infectious Disease ang importansya ng mga bakuna pagdating sa mga school-age children. Dito pinag-usapan naman ang mga maaring tugon ng mga paaralan upang mapaigting ang bakunahan sa sektor ng edukasyon.
Ang unang araw ng townhall ay dinaluhan at nagpaunlak ng mensahe sina Department of the Interior and Local Government Assistant Secretary Atty. Odilon L. Pasaraba, Metropolitan Manila Development Authority
Dr. Ma. Loida L. Alzona, Liga ng mga Barangay National President Hon. Eden Chua-Pineda.
Nagbigay suporta rin ang mga kawani ng DOH-MMCHD na sina Regional Director Gloria J. Balboa, Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal, Local Health Support Division Head Dr. Amelia Medina at Non-Communicable Disease Prevention and Control Cluster Head Dr. Shaymae Pearl B. Ufano.
Ang ikalawa at ikatlong araw naman ay dinaluhan nina Department of Education-National Capital Region Director Welfredo E. Cabral, Education Program Specialist Commission on Higher Education Officer-in-Charge Chief
Ms. Liza Libertine Magana, LaVerda Christian Collage Caloocan Professor Mr. Tykes A. Villagomez, at Universidad de Manila Communication Department Chair Ms. Nenita O. Santos.