MMCHD News Release No. 103
August 2, 2022
Inilunsad ang "Ligtas Padyak Marikina", ang kanilang Safe Active Transport Campaign nitong Linggo, ika-31 ng Hulyo, 2022 sa Marikina Sports Center na dinaluhan ng 386 siklista mula sa Marikina at mga karatig nitong lungsod at rehiyon.
Ang nabanggit na kampanya ay isa sa mga inisyatibo ng lokal na pamahalaan ng Marikina bilang bahagi ng Health Promotion Framework Strategy (HPFS) ng Department of Health (DOH) na nagbibigay ng direksyon para sa mas malalim na pag-unawa sa kalusugan tungo sa mas malusog na pamumuhay.
Binigyang diin ni Marikina City Health Officer Dr. Alberto P. Herrera ang mga benepisyong pangkalusugan ng pagbibisikleta gaya ng pagbawas ng timbang, pagbaba ng stress level at pagbaba ng presyon, habang ang benipisyo naman nito sa kapaligiran ay ang pagbawas ng air pollutants, pagtigil ng greenhouse gas emission at marami pang iba.
Ayon rin sa kaniya isa rin ito sa kanilang proyekto na magbibigay daan para magkaroon ng mas ligtas at aktibong public transport sa lungsod. Kaya naman, nagpa-raffle ang ang Marikina ng dalawang bisikleta na napanalunan ng mga lumahok na sina Mr. Jorwen Brill Antes at Reymar Carrion.
Ani naman ni DOH-Metro Manila Center for Health Development Director Gloria Balboa na ang Marikina City ay isa sa mga binansagan ng World Health Organization (WHO) bilang one of the Asia’s healthiest cities for promoting safe and healthy environment, kaya, pakiusap nito na sana’y magpatuloy sa lungsod ang ligtas at aktibong transportasyon.
Samantala, dinaluhan rin ang programa nina DOH-MMCHD Local Health Support Division Chief Dr. Amelia Medina at Marikina Active Transport Coordinator Dr. Christopher Guevarra.