LATEST NEWS

ISINAGAWANG PAGBABAKUNA KONTRA COVID-19 SA OPISINA NG DOH-MMCHD, NAGING MATAGUMPAY

MMCHD News Release No. 97
July 26, 2022

Naging matagumpay ang isinagawang dalawang araw na pagbabakuna kontra COVID-19 sa tanggapan ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) noong ika-21 at 22 ng Hulyo, 2022.

Batay sa datos, tinatayang nasa 66 na indibidwal ang bilang ng nabakunahan ng Pfizer vaccines sa unang araw habang nasa 95 naman ang nabakunahan sa ikalawang araw. Ito ay higit sa target ng ahensya na tig-50 sa kada araw na pagbabakuna.