MMCHD NEWS RELEASE NO.95
JULY 26, 2022
Bilang paghahanda sa paglulunsad ng PinasLakas, ang pagpapalakas kampanya kontra COVID-19 ng Department of Health (DOH), bumisita ang mga opisyal ng ahensya sa pangunguna ni Officer-in-Charge, Undersecretary Maria Rosario Singh-Vergeire sa Marikina Sports Center Vaccination Site at Sto. Nino Health Center sa Marikina City, nitong Biyernes, ika-22 ng Hulyo, 2022.
Ito'y kung saan nagbakuna rin ng Senior Citizens si DOH OIC, Usec. Vergeire, kasama ang iba pang miyembro ng lokal na pamahalaang lungsod ng Marikina at opisyal ng ahensya.
Bukod sa pagbisita, tiniyak rin ng DOH na sapat at handa ang local health facility at human resources para sa ilulunsad na PinasLakas Campaign sa Martes, ika-26 ng Hulyo, 2022.
Ayon kay OIC, Usec. Vergeire, kanyang ikinagagalak ang kahanga-hangang napagtagumpayan ng lungsod ng Marikina pagdating sa pagbabakuna.
Mababatid na pumalo na sa mahigit 100% ang fully vaccinated mula sa target na populasyon sa lungsod at nakamit narin ng Marikina ang 71.12% coverage para sa kanilang 1st booster.
"I once again urge all members of the eligible population here in Marikina City to get their 1st and 2nd booster shots done. Let us all put our trust in the science and protection behind our vaccines as part of our arsenal in the fight against COVID-19. Through sustained collaboration and partnership, we can fulfill the promises of the Universal Health Care and overcome the COVID-19 pandemic. Tandaan natin, ang kababayan nating may tiwala sa bakuna, may malasakit sa Marikina" ani pa nito.
Samantala, kabilang sa mga opisyal ng DOH na bumisita rin sa Marikina Sports Center Vaccination Site ay ang bagong Incident Manager ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na si Assistant Secretary Nestor Santiago, Health Facilities Enhancement Program (HFEP) Director Leonita P. Gorgolon, Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa, at Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal.
Habang kasama naman sa lokal na pamahalaang lungsod sina Marikina City Mayor Marcelino Teodoro at Vice Mayor Marlon S. Andres.