MMCHD NEWS RELEASE NO. 92
JULY 19, 2022
Nakiisa si Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director sa isinagawang Inagurasyon ng Newly Upgraded Emergency Room (ER) ng Las Piñas General Hospital (LPGH), kahapon araw ng Martes, ika-19 ng Hulyo, 2022.
Ikinahanga naman ni Dir. Balboa ang mga magandang pagbabago sa ER ng LPGH gaya ng mga bagong installed na negative pressure with monitoring of infectious particles in certain areas, mga bagong silid para sa preventive infection environment at burn unit, ambulatory consult para sa mga non-emergency cases, patuloy na pagpapabuti sa espasyo para sa trauma, burn physical at rehab services, pagretrofitting bilang paghahanda sa tinatawag na the Big One, at isang akreditasyon sa Level 3 bilang hospital, pagkakaroon ng kumpletong training accreditation sa Surgery, Internal Medicine, Obstetrics & Gyne, Family Medicine, Emergency Medicine, Anesthesia at Pediatrics.
Iginiit naman ni Dir. Balboa na ang Newly Upgraded Emergency Room ng LPGH ay puhunan para sa kinabukasan ng kalusugan at tiyak na magliligtas ng mas maraming buhay ng mamamayang Pilipino, lalo na sa mga panahon ng krisis sa kalusugan, o pandemya. Kaya naman ipinagmamalaki aniya ng DOH-MMCHD ang pag-unlad na ito ng LPGH.
Naniniwala naman si Sen. Cynthia Villar na importante ang mga ospital sa kahit anumang komunidad gayung hindi umano kaya ng isang indibidwal na mamuhay ng walang health care.
Iminungkahi rin nito sa DOH-MMCHD na makipagtulungan sa Department of Education (DEPED) upang maturuan ang mga kabataan ng Healthy Diet.
“Kayo as health worker we should not just treat, we should prevent people on getting diseases.. and that is education.. kapag di natin tinuruan ng healthy diet ang mga tao then we have to spend a lot on health care” Ani pa nito.