MMCHD NEWS RELEASE NO. 87
June 23, 2022
Nagsanib pwersa ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) at Rotary Club District 3830 (RD3830) para makapagbigay serbisyong pangkalusugan partikular sa Mother and Child Health at Non-Communicable Disease Prevention.
Ito ay sa pamamagitan ng paglagda ng Memorandum of Understanding (MOU) noong Sabado, ika-2 ng Hunyo, 2022 sa The Cove, Okada, Parañaque City.
Batay sa kasunduhan, tungkulin ng DOH-MMCHD na makipag-ugnayan sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila at RD3830 upang palawigin ang panawagan at mga aktibidad kaugnay sa Mother and Child Health at Non-Communicable Disease Prevention.
Dagdag pa rito, gampanin din umano ng ahensya na subaybayan at suriin ang kolaboratibong proyekto ng nabanggit na grupo.
Tungkulin naman ng RD3830 na ipagkaloob ang mga gamit pangmedikal na makakatulong para sa matagumpay na kampanya at umalalay sa ibang pangangailangan ng proyekto.
Samantala, iginawad naman ng RD3830 sa parehong araw ang Plaque of Appreciation sa DOH-MMCHD dahil sa pagiging bahagi nito sa pag-abot ng kanilang layunin na makapagbigay ng serbisyong pangkalusugan.