LATEST NEWS

DENGUE SYNCHRONIZED CLEAN-UP DRIVE, ISINAGAWA SA PAGSASANIB PWERSA NG DOH, DILG, AT LOKAL NA PAMAHALAANG LUNGSOD NG VALENZUELA

MMCHD NEWS RELEASE NO. 84
JUNE 28, 2022

Nagsagawa ng Dengue Synchronized Clean-up Drive ang Department of Health (DOH), Department of Interior and Local Government (DILG) at Lokal na Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, noong Biyernes, ika-24 ng Hunyo, 2022 bilang bahagi ng paggugunita ng Dengue Awareness Month.

Ito ay kung saan sabay-sabay na isinagawa ng 33 barangay sa lungsod ng Valenzuela ang 4S Prevention Behavior Drive ng DOH. Gayundin ang pagsasagawa ng mga kawani at opisyal ng DOH, DILG at City Health Government ng house-to-house installation ng Ovitrap.

Mababatid na ang Ovitrap ay nakakatulong na mapigilan ang mga lamok na mamahay sa isang sambayanan.

Nagkaroon din ng Signing of Pledge of Commitment sa nasabing event, bilang pakikiisa ng bawat opisyal at mamamayan na dumalo sa nasabing aktibidad sa paglaban kontra Dengue.

Ayon kay Director Albert Francis E. Domingo ng Communications Office-DOH, pabalik-balik ang sakit na Dengue tuwing tag-ulan dahil nakakalimutan ng mayorya sa mga Pilipino ang simpleng pamamaraan upang masugpo ang 4S Drive. Kung tutuusin aniya ay madali lamang sundin ang kampanya na ito. Kaya naman pinaalalahanan ni Dir. Domingo ang publiko kaugnay sa 4S Drive kung saan ang unang ‘S’ ay ‘Search and Destroy Breeding Places’; Ikalawang ‘S’ ay ang secure self-protection; Ika’tlong ‘S’ ay ‘Seek Early Consultation’; at ika-apat na ‘S’ ay ang ‘Support Fogging or Spraying in hotspot areas’.

Kaya naman ipinabatid ni Assistant Director Debbie Torres ng Department of Interior and Local Government-Bureau of Local Government Supervision (DILG-BLGS), na ang Signing of Pledge of Commitment ay napakahalaga dahil sa pamamagitan nito ay ma-re-renew ang pangako ng bawat isang mamamayang Pilipino sa pagtulong at pagpuksa sa sakit na dengue.

Naniniwala naman si Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal ng DOH-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na kung susundin ng lahat ng Pilipino ang 4S Drive, makikipagtulungan ang mga pamahalaang panglungsod at mga organisasyon at mga taong katuwang sa pagsulong ng mga ito, ay tiyak na mababawasan o mapupuksa ang dengue sa bansa lalo na sa rehiyon.