LATEST NEWS

DOH-MMCHD NAGSAGAWA NG ON-THE-SPOT POSTER AT SLOGAN-MAKING CONTEST

MMCHD NEWS RELEAS NO. 83
June 20, 2022

Nagsagawa ng On-the-Spot Poster at Slogan-Making Contest Activity ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa tanggapan nito sa lungsod ng Mandaluyong. bilang pakikiisa sa Dengue Awareness Month, Lunes, ika-20 ng Hunyo, 2022.

Ito ay sa pangunguna ng Health Promotion Unit ng Local Health Support Division (HPU-LHSD).

Hinikayat ng DOH-MMCHD ang mga anak at kaanak ng mga empleyado upang makilahok sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Dr. Amelia C. Medina, Chief ng LHSD, “dahil sa patimpalak na ito, malalaman natin ang lawak ng kaalaman o pag-iisip ng mga batang sumali sa poster and slogan-making patungkol sa Dengue.”

Sa huli, tinuruan ng DOH-MMCHD ang mga kabataan na matutong pangalagaan ang kapaligiran at panatilihin ang kalinisan nito, sa kanilang murang edad palamang.