MMCHD NEWS RELEASE NO. 82
June 28, 2022
Matagumpay na sinimulan ang roll-out ng booster shot para sa mga immunocompromised 12-17 gulang na kabataan sa mga piling ospital sa Metro Manila noong Miyerkules, ika-22 ng Hunyo, 2022.
Ang pagbibigay ng booster shot sa nasabing grupo para sa unang araw ay isinagawa sa piling ospital gaya ng National Children’s Hospital (NCH) at Quirino Memorial Medical Center (QMMC) sa Quezon City.
Batay sa guidelines ng National Vaccination Operation Center (NVOC), ang mga batang nabanggit ay maaring makatanggap ng booster shot 28 araw matapos silang mabakunahan ng ikalawang dose para sa kanilang primary series.
Ang iba namang mga ospital sa Metro Manila ay nakatakdang magsimula ng pagbabakuna sa Lunes, ika-27 ng Hunyo.
Samantala, ang mga magulang na nais pabakunahan ng booster shot ang kanilang mga anak na immunocompromised ay maaring makipag-ugnayan sa pinakamalapit na ospital sa kanilang lugar.