LATEST NEWS

DOH-MMCHD NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG WORLD BLOOD DONATION DAY, NGAYONG ARAW NG MARTES, IKA-14 NG HUNYO, 2022

MMCHD NEWS RELEASE NO. 81
June 22, 2022

Nagsagawa ng Blood Donation Activity ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa opisina nito sa Brgy. Addition Hills sa lungsod ng Mandaluyong bilang pakikiisa sa World Blood Donation Day, araw ng Martes, ika-14 ng Hunyo, 2022.

Ito ay sa pangunguna ng Local Health Support Division Non-Communicable Diseases Prevention and Control Cluster (LHSD-NCDPCC).

Mababatid na isinasagawa ng DOH-MMCHD ang Blood Donation Activity tuwing ikatlong buwan upang isulong at hikayatin ang iba pang ahensya ng gobyerno, pribadong kumpanya, at mga ospital na magkaroon rin ng Blood Donation sa kani-kanilang mga tanggapan.