MMCHD NEWS RELEASE NO. 80
JUNE 22, 2022
Bago magtapos ang administrasyong Duterte, pinangaralan ng Department of Health (DOH) at National Task Force against COVID-19 (NTF) ang mga Centers for Health Development (CHDs) at Regional Vaccination Operations Center (RVOC) para sa National COVID-19 Vaccine Deployment at Vaccination Program, noong araw ng Lunes, ika-20 ng Hunyo, 2022 sa Seda Hotel, Vertis North sa Quezon City.
Ayon kay National Task Force against COVID-19 (NTF) Chief Implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., na taos pusong nagpapasalamat ang buong pwersa ng NTF sa lahat ng kawani ng CHDs at RVOCs dahil sa napakalaki umano nitong kontribusyon sa pagpapatupad ng National Vaccination Program.
Inanunsyo rin ni Secretary Galvez na naabot na ng gobyerno ang target na mabakunahan ang 70 Milyong mga Pilipino, na umano’y maituturing na legasiya ng Administrasyong Duterte. Hindi aniya ito makakamit ng gobyerno ang tagumpay na ito kung hindi dahil sa mahuhusay, masisipag at magigiting na CHDs a RVOCs sa gitna ng maraming hamon dulot ng pandemya.
Umaasa naman ang Chairman ng Inter-Agency Task Force of the Management of Emerging Infectious Disease (IATF-EID) at DOH Secretary Francisco Duque III, na ipagpapatuloy ng CHDs at RVOCs ang mahusay na pagsisilbi sa kapwa Pilipinp upang tuluyang mawakasan ang pandemya at mabilis na maibangon ang ekonomiya ng bansa.
Iginiit rin nito na ang tungkulin ng DOH at bawat kawani nito ay napakahalaga sa pagbibigay serbisyo sa bawat mamamayang Pilipino lalo na ngayong pandemya. Kaya nagpapasalamat rin ito sa ipinamalas na dedikasyon ng bawat kawani ng DOH, iba pang frontliners at volunteers sa bansa upang pagsilbihan ang bayan. Ang tagumpay aniya sa kampanya ng pagbabakuna laban sa COVID-19 ay nagpapatunay na walang imposible kung ang lahat ay magkakaisa at magtutulungan.
Samantala, kabilang sa mga CHDs na pinarangalan ay ang Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) at Regional Vaccination Operations Center, bilang “Most Excellent Region in Multisectoral Collaboration”.
Batay sa parangal na natanggap ng MMCHD at RVOC, sinasabing nagawa ng ahensya na pakilusin ang lahat ng stakeholders, kabilang ang iba pang ahensya ng gobyerno, pribadong sektor, medical societies, civil organizations, religious sector, at iba pa upang magtulong-tulong sa paglulunsad ng mabilis at epektibong kampanya ng pagbabakuna laban sa COVID-19. Gayundin ang pagiging pinakamataas na saklaw ng pagbabakuna kumpara sa ibang rehiyon sa bansa.
Nagpapasalamat naman ang MMCHD sa pangunguna nina Regional Director Gloria J. Balboa at Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal sa DOH, NTF, IATF, NVOC, gayundin sa iba pang pampubliko at pribadong sektor na gumabay sa ahensya upang mapabilis at mapaganda nito ang kampanya sa pagbabakuna kontra COVID-19.