LATEST NEWS

DOH-MMCHD NAKIISA SA SECOND QUARTER NATIONAL SIMULTANEOUS EARTHQUAKE DRILL

MMCHD NEWS RELEASE NO. 77
June 9, 2022

Nakiisa ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Second Quarter National Simultaneous Earthquake Drill (NSED), noong Huwebes, ika-9 ng Hunyo, 2022 bilang paghahanda sa posibleng malakas na lindol.

Ito ay alinsunod sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) Memorandum No. 21, s. 2022 titled “Conduct of the CY 2022 Quarterly Nationwide Simultaneous Earthquake Drill”.

Naglalayon itong palakasin ang kaalaman at kahandaan ng bawat Pilipino sa mga dapat gawin bago, habang at pagkatapos ng sakuna.
Mababatid na ang NSED ay isang pagsasanay na isinasagawa apat na beses sa isang taon.