LATEST NEWS

DOH-MMCHD NAGBIGAY NG COLLATERALS SA BRGY. ADDITION HILLS PARA SA GAGANAPING DENGUE CLEAN-UP DRIVE SA LUGAR

EWS RELEASE NO. 74
JUNE 6, 2022

Ginanap ang pagturn-over ng sampung tarpaulin ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development sa Barangay Addition Hills, Mandaluyong City sa pangunguna ni Brgy. Chairman Carlito Cernal para sa gaganaping Dengue Clean-Up Drive sa lugar, ngayong Lunes, ika-6 ng Hunyo, 2022.

Ang clean-up drive na ito ay bahagi ng paghahanda ngayong Hunyo, kung kailan ginugunita ang Dengue Awareness Month at kung kailan naman ang bilang ng mga nagkakasakit ng Waterborne Diseases, Influenza, Leptospirosis, o Dengue ay tumataas.

Dagdag pa rito, bilang tanda ng pakikiisa ng Brgy. Addition Hills sa nasabing clean-up drive, nilagdaan nina Brgy. Chairman Cernal at Brgy. Kagawad for Environment Danilo Salvador ang Pledge of Commitment sa kampanya kontra dengue na makikita sa tanggapan ng DOH-MMCHD.

Inanyayahan naman ang lahat na makilahok sa kampanyang 4 o’clock habit. Kung saan nakapaloob sa kampanyang ito ang mga sumusunod:
1. Paghahanap at pagsira sa mga lugar na maaring pamahayan ng mga lamok;
2. Paggamit ng mosquito repellants at pagsusuot ng damit na may mahabang manggas;
3. Pagpapakonsulta sakaling magkaroon ng lagnat, rashes, sakit ng ulo, pagsusuka at iba pang sintomas, at;
4. Pagpapausok o fogging sa panahon ng outbreak.

Sumama sina Regional Director Gloria Balboa, mga Division Head na sina Dr. Amelia Medina, Dr. Jeremias Francis Chan, at Mr. Philip Du, at iba pang mga kawani tulad nina Dr. Wenceslao Blas, Mr. Reginald Santiago at Mr. Ramon Ferrer Jr. sa pagsalubong sa mga kinatawan ng Brgy. Addition Hills.