MMCHD NEWS RELEASE NO.73
JUNE 3, 2022
Nagpaabot ng suporta ang Rotary International sa Department of Health-Metro Manila Center for Health (DOH-MMCHD) para sa Anti Polio Campaign nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga T-shirts, Tarpaulins, at pagpapahiram ng bus na magagamit para sa pag iikot at pag-anunsyo ng mga impormasyon tungkol sa pagbabakuna pati na iskedyul, saan pupunta at proseso ng pagbabakuna sa Chikiting Bakunation Days sa National Capital Region (NCR) na nagsimula noong ika-30 ng Mayo, 2022.
Layon ng Rotary International na tulungan ang Health Promotion Unit (HPU) ng DOH-MMCHD sa pagtaas ng kamalayan ng mga Pilipino hinggil sa sakit na Polio at kampanya sa pagbabakuna lalo na’t ipinapatupad ngayon ang Chikiting Bakunation Days sa bansa.
Mababatid na ang pagpuksa sa polio ay isa sa pinakamatagal at pinakamahalagang pagsisikap ng Rotary International. Kung saan ang Rotary Districts nito ang siyang nagbibigay ng suporta sa pamamagitan ng fundraising, adbokasiya at volunteer recruitment.
Nagpasalamat naman sina DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa at Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal, sa walang sawang pagbibigay suporta ng Rotary International sa ahensya upang makatulong sa kampanya laban sa Polio.
Ipinabatid rin nina Dir. Balboa at Asst. Dir. Sudiacal na malaking tulong ang mga ipinamahaging suporta ng Rotary International na angkop sa pag-arangkada ng Chikiting Bakunation Days simula noong ika-30 ng Mayo at tatagal hanggang ika-10 ng Hunyo, 2022.
Samantala, dumalo rin sa isinagawang turn-over ang mga miyembro ng Rotary International na sina Dr. Joseph Manapsal, Dra. Mildred Vitangcol, Ms. Cathy Pimentel, Ms. KC Costimiano, Dr. Carmeli Palacio, Ms. Gloria Marfori, Mr. Meyrick Ibanez, Ms. Tess Salayon, Mr. Danico Soleta, Ms. Sweetie Gardiner, Mr. Brian Norico, Ms. Daniela Rose Soleta, at Ms. Evelyn Soleta.
Habang dumalo rin sa turn-over ang ilang kawani ng DOH-MMCHD na sina Dr. Amelia Medina, Dr. Janice Rojas-Malesido, at Mr. Arnold Lina.