LATEST NEWS

SUPLAY NG MGA BAKUNA PARA SA ISINASAGAWANG CHIKITING BAKUNATION DAYS SA NCR, SAPAT AYON SA DOH-MMCHD

MMCHD NEWS RELEASE NO.67
May 31, 2022

Sapat ang suplay ng bakuna para sa isinasagawang Chikiting Bakunation Days sa National Capital Region (NCR).
Ito ang inanunsyo ni Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa sa kanyang naging panayam sa programa ni Ms. Lolly Acosta na “Sulong na Bayan” sa DWIZ 882 Radio Station.