LATEST NEWS

GROUND BREAKING CEREMONY NG VMC EXPANSION PROJECT, NAGING MATAGUMPAY

Naging matagumpay ang Ground Breaking Ceremony ng Valenzuela Medical Center (VMC) Expansion Project nitong araw ng Biyernes, ika-20 ng Mayo, 2022 sa pangunguna ni Senator Christopher "Bong" Go at sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Valenzuela at Department of Health (DOH).

Ang proketong ito ay mula sa inisiyatibo nina Senator Sherwin Gatchalian, Deputy Speaker Eric Martinez, at Deputy Speaker Weslie Gatchalian na sila ring nagsiguro ng pondo para rito. Ito ay upang mas mapalawak pa ang serbisyong medikal ng lungsod, hindi lamang para sa mga Valenzuelano ngunit gayundin sa mga karatig na lalawigan.

Inaasahang ipapatayo ang apat na palapag na gusaling mayroong bed capacity na nasa 200 hanggang 500.

Nagpahatid naman ng pasasalamat ang mga matataas ng ospisyal ng lungsod para sa pagsusumikap ng lahat upang maipatayo ang gusali.

Samantala, matatandaang pinasinayaan din ni Sento Go ang Malasakit Center sa nasabing ospital noong ika-7 ng Oktubre, 2021. Kaya, kasabay ng nasabing seremonya ay isinagawa din ang pagturn-over ng tsekeng nagkakahalaga na 50 milyon piso mula sa Office of the President's Socio Civic Project Fund.

Ang seremonya ay dinaluhan din ng mga kawani ng Valenzuela City na sina Deputy Speaker Martinez at Wes Gachalian pati na rin sina 2nd Distric Councilors Tyson Sy at Gerald Galang, at mga kawani ng DOH na sina Health Undersectary Elmer Punzalan, Metro Manila Center for Health Development Director Gloria Balboa, Director Enrique Tayag, at VMC Medical Center Chief Dr. Nimfa Putong.