LATEST NEWS

COVID-19 COMPENSATION NG ILAN PANG HEALTHCARE WORKERS SA NCR, NAIPAMAHAGI NA NG DOH-MMCHD

MMCHD NEWS RELEASE NO. 59

MAY 20, 2022

Patuloy sa pagtulong ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa pamamahagi ng mga benepisyo tulad ng COVID-19 Compensation at One COVID Allowance (OCA) para sa mga healthcare workers at support staff ngayong araw ng Biyernes, ika-20 ng Mayo, 2022.

Maaalalang naglabas and Department of Budget and Management (DBM) ng P7.92 Billion para sa OCA, Pebrero nitong taon. P1.08 Billion naman ang kanilang nilaan sa COVID-19 Compensation na hinayag nito lamang linggo.

Samantala, sa pahayag ng Public Assistance and Information Unit (PAIU) ng MMCHD, kadalasang dahilan na natatagalan ang pagproseso ng aplikasyon ay ang kakulangan sa dokumentong naipasa. Kanila ring pinaaalalahanan ang pagbibigay ng tamang contact number at e-mail address.

Sa isang banda ay pinapabilis ang proseso sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kaalaman ng kumpletong listahan ng kakailanganing dokumento at online na pagpasa ng requirements para sa paunang ebalwasyon.

Para sa mga naninirahan sa National Capital Region na may katanungan sa mga nabanggit na benepisyo at sa pagpapasa ng mga dokumento, maaari itong i-send sa ncrcovidclaims@ncro.doh.gov.ph o maaring tumawag sa mga numerong 8531-0026, 8531-0027, 8531-0037 local 103 o local 123, at mobile number sa 09703675294.