LATEST NEWS

MGA KAWANI NG DOH-MMCHD, BINAKUNAHAN NARIN NG SECOND BOOSTER SHOT LABAN SA COVID-19

DOH-MMCHD News Release No. 58

May 20, 2022

Sa pangunguna ni Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa, sinimulan naring bakunahan ang mga kawani ng ahensya na pawang mga Healthcare Workers at Senior Citizens para sa second booster shot ngayong araw ng Biyernes, ika-20 ng Mayo, 2022.

Mababatid na pinayagan na kamakailan ang pagbabakuna ng second booster shot sa mga Healthcare Workers at Senior Citizens na apat na buwan na ang nakalilipas mula nang sila ay nakapagpabakuna para sa first dose ng booster.

Ito ay sa gitna narin ng bagong banta ng nadiskubreng sub-variant ng Omicron na BA.2.12.1.