LATEST NEWS

PAGDIRIWANG NG IMMUNIZATION WEEK NAGING MATAGUMPAY

MMCHD NEWS RELEASE NO. 51

APRIL 27, 2022

Ipinagdiriwang ngayong araw ang World Immunization Week na ginanap mula ika-25 hanggang ika-29 ng Abril na mayroong national theme na "Long Life for All, kayang-kaya sa Healthy Pilipinas" sa Sto. Niño Health Center, Marikina City katuwang and Department of Health (DOH) at Makirina City Health Office.

Mayroon naman regional theme ang nasabing aktibidad na "Kumpletong Bakuna, sa Health Center Pumunta".

Pinasinayaan ang pagdiriwang ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergerie kasama si World Health Organization Technical Officer Wendwosen Nibabe, Vaccine Advocate Dr. Lulu Bravo, DOH-Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria Balboa at Markina City Health Officer Dr. Alberto Herrera.

Ang pagbabakuna sa iba't ibang age group ay sabay-sabay na isinagawa sa iba't ibang distrito sa Kalakhang Maynila na naging hudyat ng pagbabalik ng pagbabakuna sa lahat ng health center.

Layunin ng selebrasyon na paigtingin pa ang adbokasiya sa routine immunization dahil isa ito sa mga programang higit na naapektuhan 'di lamang pandemya ngunit pati narin ang matagal ng disinformation.

Ipinagmalaki ni Dr. Bravo na ang 6,000 na Pediatricians mula sa Philippine Pediatric Society ay kabilang sa mga champions pagdating sa bakunahan. Binanggit niya rin ang kahalagahan ng pakikinig sa mga eksperto hindi sa mga sabi-sabi lang.

Ayon naman kay Usec. Vergerie, unang naapektuhan ang bakunahan dahil sa mga maling balita na kumalat noong 2018 na nagresulta ng unang vaccine-preventable diseases outbreak matapos ang mahabang taong wala nito.

Dagdag niya rin na lalo itong naging apektado nang pumasok ang COVID-19 sa bansa at naging sanhi sa limitadong galaw ng publiko maging ang pagpunta sa mga health centers upang magpabakuna.

Diin pa niya na ang mga bakunanag ibinibigay sa routine immunization ay matagal nang ginagamit at nakakasiguro na ito ay dekalidad, ligtas at epektibo.

Samantala, magkakaroon naman ng National Vaccination Days for Catch-Up Immunization (NVD-CI) o Chikiting Bakunation Days sa darating na Mayo at Hunyo para sa National Capital Region.