MMCHD NEWS RELEASE NO. 48
April 14, 2022
Patuloy na nagbabakuna kontra COVID-19 ang lungsod ng Maynila sa kabila ng paggugunita ng Semana Santa.
Ito’y kung saan pinangunahan ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) katuwang ang Manila Health Department (Manila Health Department) ang isinagawang bakunahan sa Quiapo, Maynila sa araw ng Huwebes Santo, ika-14 ng Abril, 2022 na nagsilbing kumpas ng pagsisimula ng pagbabakuna kontra COVID-19 ngayong Semana Santa.
Kabilang sa mga dumalo mula sa kawani ng DOH-MMCHD ay sina Regional Director Gloria J. Balboa, Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal, at Development Manangement Officer Dr. Haydee Palamo.
Ang bakunahan sa tapat ng Simbahan ng Quiapo ay inaasahang magpapatuloy hanggang sa ika-17 ng Abril, Araw ng Pagkabuhay.
Bukas naman ang nasabing bakunahan sa lahat ng gustong magpabakuna, residente man ito ng lungsod o hindi.
Pero para sa mga hindi taga-Maynila, ay inaabisuhan ang mga ito na mag-register online sa manilacovid19vaccine.ph upang mapabilis ang proseso ng pagbabakuna.