LATEST NEWS

PAGTURNOVER NG HFEP NG BAGONG RENOVATED NA OPD ENTRANCE SA JUSTICE JOSE ABAD SANTOS GENERAL HOSPITAL, NAGING MATAGUMPAY

MMCHD News Release No.044
March 31, 2022

Naging matagumpay ang isinagawang Turnover Ceremony sa Justice Jose Abad Santos General Hospital (JJASGH) para sa bagong renovated na Out-Patient Department Entrance nito, noong Miyerkules, ika-30 ng Marso, 2022.

Ang bagong renovate na 'Out-Patient Department Entrance' ng JJASGH ay galing sa Health Facility Enhancement Fund (HFEF) ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD).

Dahil dito, nagpapasalamat si Dr. Merle D. Sacdalan-Faustino, Acting Director ng JJASGH sa DOH-MMCHD dahil sa patuloy na pagsuporta nito upang mapaganda pa ang kanilang ospital.

Pinaalalahanan naman ni DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa ang mga kawani ng ospital na humaharap sa mga pasyente na palaging ngumiti at patuloy na ipakita ang Tender Loving Care (TLC) sa mga ito.

Samantala, dumalo rin sa seremonya si Manila 3rd District Representative John Marvin "Yul Servo" Nieto, na nagpabatid ng pagbati sa patuloy na pag-unlad ng nasabing ospital.

Dagdag pa rito, nagtungo rin sa nasabing seremonya ang Head ng Health Facility Enhancement and Management Unit (HFEMU) na si Dr. Karen Fernandez, District Team Leader na si Mr. Rodel Alegre, Dr. Leonora Pascual, JJASGH Assistant Hospital Director Dr. Policarpio Joves at iba pang kawani ng ospital at ng lungsod ng Maynila.