MMCHD News Release No.043
March 29, 2022
Nilagdaan ni Department of Health-Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria J. Balboa ang Regional Memorandum of Understanding (RMOU), bilang pakikiisa sa Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPHAP) kasama ang ilan pang mga ahensya ng gobyerno, government-owned and controlled corporation (GOCCs), government financial institutions at iba pang EPHAP partners at development partners noong ika-25 ng Marso, 2022.
Ang EPHAP ay inisyatibo ng gobyerno na naglalayong puksain ang gutom at kahirapan sa buong bansa.
Ito’y kung saan isinusulong rin ng RMOU ang pagpapalakas ng partnership, cooperation, collaboration sa Regional level sa pagkamit ng “Ambisyon Natin 2040”.
Bukod kay Dir. Balboa, ang ilan pang opisyal ng gobyerno sa National Capital Region (NCR) na lumagda sa RMOU bilang pakikiisa ng kani-kanilang ahensya ay sina Regional Director Ferdinand Budeng ng Department of Social Welfare and Development (DSWD), Regional Director Luisito Muñoz ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP), Department of Education (DepEd) Regional Director Wilfredo Cabral, Department of Interior and Local Government (DILG) Regional Director Maria Lourdes Agustin, at iba pang mga ahensya ng pamahalaan.
Sa ilalim ng EPHAP, prayoridad ang mga programa tulad ng institutional feeding program, suporta sa kredito, pagpapahusay ng kapasidad at produktibidad ng mga community-based organizations gayundin ang edukasyon sa nutrisyon, magtatag ng mga pasilidad at teknolohiyang pang-agrikultura.
Naniniwala naman ang mga ahensya ng gobyerno na isang epektibong hakbang tungo sa pagsugpo ng gutom at kahirapan ng bansa ang pagsasanib pwersa ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan.