LATEST NEWS

COMMUNITY-BASED VACCINATION, UMARANGKADA NA SA LUNGSOD NG MANDALUYONG

MMCHD News Release No.042
MARCH 24, 2022

Umarangkada na sa Mandaluyong City ang community-based vaccination, ito’y kung saan bumaba na ang vaccination teams sa 12 health centers sa lungsod simula ngayon araw ng Huwebes, ika-24 ng Marso, 2022 sa pangunguna ng City Health Office katuwang and Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD)

Ayon kay Dr. Arnold Abalos, Mandaluyong City Health Officer, ang pagpapatupad ng community-based vaccination ng lungsod ay naglalayong ilapit ang bakunahan sa publiko.

Aniya, tinatayang 300 katao ang target ng lungsod na mabakunahan sa bawat health centers na pawang mga indibidwal na may edad na 12 pataas.

Kaya naman hinihikayat ni Dr. Abalos ang mga residente ng Mandaluyong na magpa-register at huwag nang mag-atubili at magpabakuna na laban sa COVID-19.

Samantala, patuloy namang ginagamit ng Mandaluyong City ang kanilang tatlong hazmat o mobile vaccination upang mapaigting pa ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa lungsod.