MMCHD News Release No.038
March 21, 2022
Ginanap sa tanggapan ng Department of Health-Metro Manila Center of Health Development (DOH-MMCHD) ang oath-taking ni Bb. Mary Grace S. Labayen bilang Medical Technologist II (MedTech II) ng Regional Epidemiology and Surveillance Unit (RESU) ngayong araw ng Lunes, ika-21 ng Marso 2022 sa pangunguna ni DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa.
Unang naglingkod si Bb. Labayen sa DOH-MMCHD RESU bilang Disease Surveillance Officer noong 2018 at nagpatuloy bilang Vaccine Preventable Disease Surveillance Coordinator at Acute Flaccid Paralysis Surveillance Coordinator sa mga sumunod pang mga taon.
Naging Senior Health Program Officer rin ito bago opisyal na italaga bilang MedTech II noong ika-14 ng Marso, 2022.
Itinuturing naman ni Bb. Labayen, bilang isang pagpapala ang pagkakatalaga sakanya bilang MedTech II, matapos ang ilang taong pagsisilbi sa gobyerno.
Samantala, binati naman nina Dir. Balboa at Assistant Regional Director Aleli Annie Grace Sudiacal at iba pang nasa tanggapan ang bagong talagang Medical Technologist ng RESU.