MMCHD News Release No.036
March 21, 2022
Nakatanggap ang Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) ng donasyong apat na Biothermal Transport Box at 50,000 na pirasong immunization cards mula sa Latter-Day Saint Charities (LDSC), nakaraang araw ng Huwebes, ika-17 ng Marso, 2022.
Ayon sa Mandaluyong Philippines Stake President na si Mr. Noel Placer, ang mga donasyong ito ay naglalayon na mapagtibay pa ang aspeto ng pagtransport ng mga bakuna at ang pagmo-monitor ng bilang ng mga nabakunahan.
Samantala, nagpaabot naman ng pasasalamat si DOH-MMCHD Regional Director Gloria J. Balboa sa mga ibinigay na donasyon ng LDSC.
Inaasahan namang ipapamahagi ang nasabing donasyon sa mga lungsod sa Metro Manila.
Kasama naman ni Mr. Placer na ihatid ang mga donasyon sa opisina ng DOH-MMCHD sina Mr. James Ledesma, LDSC Representative, Ms. Johanna Eliza Borela, Manila Communication Director ng LDSC at Dra. Cory Placer, Medical Officer V ng Brgy. Malamig Health Center Mandaluyong.