MMCHD News Release No.030
March 10, 2022
Pinagdiriwang ang Fire Prevention Month tuwing buwan ng Marso at sa taong ito ay may temang “Sa Pag-Iwas sa Sunog, Hindi Ka Nag-Iisa”. Ang Health Emergency Management Unit (HEMU) ng Department of Health Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMHD) ay bumuo ng Orientation on Fire Prevention, Safety and Extinguishment sa mga empleyado nito ngayon ika-10 ng Marso, 2022.
Sa panimula ay nagbigay ng mainit na pagbati ang pagbati ng HEMU na si Dr. Ellen G. Mutya. Sinalubong din niya ang mga tagapagsalita mula sa Bureau of Fire and Protection na sina Senior Fire Officer (SFO) IV Danilo Yumol, SFO I Arlan Ambas, Fire Officer (FO) II Francisco Custodio, FO I Russel Sacro at FO I Erika Del Fierro.
Tinalakay ng grupo nina SFO IV Yumol ang mga ligtas na paraan kung paano aksyunan ang mga sunog sa bahay, opisina at sa komunidad at nagbahagi ng mga impormasyon tungkol sa apoy at mga sunog. Ayon kay FO Fierro, hindi lamang nakatuon sa pagresponde sa mga sunog ang kanilang ibabahagi sa mga empleyado ng DOH-MMCHD, kundi pati na rin ang tamang pag-apula ng apoy gamit ang extinguisher sa demonstrasyon ni SFO I Arlan Ambas.
Samantala, nag-anunsyo naman sila ng mga hotlines na maaaring tawagan para sa agarang pag-askyon sa mga sunog at minungkahi din nila na ibahagi sa publiko ang mga numerong ito.
Nagpakita naman ng aktibong partisipasyon ang mga empleyado ng DOH-MMCHD sa taon-taon na pagsasagawa ng BFP ng Orientation on Fire Prevention, Safety and Extinguishment.
Naniniwala ang BFP na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng orientation sa mga organisasyon ay mababawaan ang iresonponsableng pag-gamit ng apoy na kadalasang nagdudulot ng malalaking sunog sa bansa. Maituturing din na isa itong paraan upang magpakalat ng tamang impormasyon at bigyang diin ang kahalagahan ng fire prevention at awareness sa publiko.
Sa pagtatapos ay nagpasalamat si Dr. Mutya sa BFP sa pagbabahagi ng kanilang kaalaman sa mga empleyado ng DOH-MMCHD.