MMCHD News Release No.029
March 8, 2022
Binuksan na ang pinaka unang Resbakuna sa Botika Booster Vaccination Site sa munisipalidad ng Pateros, sa pangunguna ng Watsons nitong ika-8 ng Marso, 2022.
Nagpahayag ng pakikiisa ang Watsons sa programang pagbabakuna ng gobyerno. Aniya ni Watsons Area Operations Manager Ms. Ariane April Luzon, “We believe in making vaccination accessible to as many Filipinos as possible.”
Pinagmalaki naman nito na taong 2021 pa lamang ay higit sa 8,000 agad ang nakatanggap ng bakuna sa kanilang mga empleyado.
Gayon din ang pasasalamat ni Head of Pateros COVID-19 Task Force na si Dr. Ronald F. Flores sa DOH at sa lokal na pamahalaan sa pagpupursigi na mabigyang proteksyon ang mga mamamayan ng Pateros.
Dumating naman ang Municipality Mayor ng Pateros na si Hon. Ike Ponce kung saan kaniyang sinaad ang kahalagahan ng pagkakaroon ng booster doses lalo na sa ngayon na bumaba na ang Metro Manila sa Alert Level 1. Dagdag nito, “Now that we are seeing a continuous decline in the number of COVID-19 infection, all the more that we need to be vigilant and proactive in convincing our people to get these booster shots.”
Nagbigay pahayag naman si Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria Balboa, sa pamamagitan ni Field Operation Cluster Head Dr. Froillanne Dela Cruz, kung saan kaniyang sinabi, “Let us work together to ensure that everyone in the municipality of Pateros is protected from within.”
Diniin nito na ang pakikipagtulungan ng pribadong sektor tulad ng Watsons ay malaking hakbang sa 111 milyong target na nabakunahan sa buong bansa sa pagtatapos ng 2022.
Malugod namang inanunsyo na magbibigay ng shopping incentives ang Watsons Pateros sa mga darating na magpapabakuna.