MMCHD News Release No.028
March 8, 2022
Naging matagumpay ang isinagawang launching ng Primary Care Providers Network (PCPN) at Signing ng Memorandum of Agreement (MOA) para sa National Tuberculosis (TB) Program, ngayong araw ng Martes, ika-8 ng Marso, 2022 sa Ayala Mall, Manila Bay sa lungsod ng Paranaque.
Nagpapasalamat naman si Paranaque City Mayor Edwin Olivarez, dahil sa pagpili sa lungsod bilang implementation site ng PCPN na siyang magiging pundasyon ng Health Care Provider Networks (HCPNS) na binubuo ng pribado at pampublikong sector sa pangunguna ng USAID Philippines, Medical Associations, Pharmacies, School Divisions at Diagnostics.
Ayon naman kay Dr. Gloria J. Balboa, Regional Director ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) na sa pamamagitan ng MOA signing ay magtutulungan ang pribado at pampublikong sector sa paghulma ng sistemang pangkalusugan sa buong lungsod sa pamamagitan ng pagpapalakas ng mga lokal na polisiya, pagtiyak na mayroong access sa mga mahahalagang gamot at commodities, competent human resources for health, integrated health information system, efficient fiscal management at administrasyon para sa kalusugan.
Samantala, naging witness naman ang DOH-MMCHD, World Health Organization (WHO), TB Platforms, at City Health Office sa isinagawang MOA signing.