LATEST NEWS

LUNGSOD NG MANDALUYONG, NAKATANGGAP NG WALONG AMBULANSYA MULA SA DOH-MMCHD

MMCHD News Release No.026
March 7, 2022

Naging matagumpay ang pagbibigay ng walong Type 1 Ambulance ng Department of Health – Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa lungsod ng Mandaluyong, nitong araw ng Lunes, ika-7 ng Marso, 2022.

Ang turnover ay pinangunahan ng Management Support Services Division (MSSD) ng MMCHD at kanilang siniguro na mataas ang kalidad at pasok sa mga teknikal na pamantayan ang mga ambulansya.

Maligaya naman si MMCHD Regional Director Gloria Balboa na nakatutulong ang ahensya ng gobyerno upang higit na mapabilis at mapabuti ang serbisyo sa sektor pangkalusugan ng mga lokal na pamahalaan.

Tinanggap ang mga ito ni Dr. Arnold C. Abalos, Officer-in-Charge ng City Health Office (CHO) ng Mandaluyong, gayundin ang kumatawan kay Mandaluyong Representative Neptali "Boyet" Medina Gonzales II na si Mr. Toshio Emadin Tuya Jr.

Ang walong ambulansya ay inaasahang ipapamahagi ng lungsod ng Mandaluyong sa mga barangay tulad ng Pleasant Hills, Harapin ang Bukas, Mauway, Malamig, San Jose, Pag-Asa at maging sa Mandaluyong City Medical Center.