LATEST NEWS

NATIONAL WOMEN'S MONTH, IPINAGDIWANG NG RMDU NCRPO

CMU News Release No.025
March 7, 2022

Ipinagdiwang ng Regional Medical and Dental Unit (RMDU) ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang paggunita ng National Women’s Month ngayong araw ng Lunes, ika-7 ng Marso, 2022, alinsunod sa pambansang tema na “We Make Change Work for Women”.

Ito’y kung saan malugod na inanunsyo ni RMDU NCRPO Chief, Police Major Michelle Arban sa Flag Raising Ceremony ng NCRPO na ang naturang programa ay isang pagbibigay parangal sa mga kababaihang pulis na nagbibigay serbisyo sa publiko lalo na ngayong pandemya bunsod ng COVID-19.

Sa pamumuno ni NCRPO Regional Director, Police Major General Felipe Natividad, ginawaran nito ng parangal ang Department of Health - Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) dahil sa patuloy na pagsuporta nito sa kapulisan sa panahon ng pandemya.

Tugon naman ni DOH-MMCHD Regional Director Gloria Balboa, “women are no longer just the light of our homes, but also the architect who designs it and the carpenters who build it. Thank you for everything that you do for our families and our communities.”

Inihayag rin ni Director Balboa, ang kahalagahan ng COVID-19 Booster Doses maliban sa primary series ng pagbabakuna laban sa COVID-19. Kaya naman inaanyayahan nito ang lahat na magpabakuna sa gaganaping “Jab” Fair in NCR sa ika 10-12 ng Marso, 2022.

Dagdag pa nito na tutukan rin ang gaganaping bakunahan sa mga kapulisan at Persons Deprived of Liberty “PDLs” sa ilalim ng “Oplan: Inside Jab”.

Samantala, naging pagkakataon din ang pagbisita ng MMCHD sa NCRPO upang igawad ang sertipiko sa mga NCRPO Special Care Facilities na matagumpay na pumasa sa mga teknikal na pamantayan upang magsilbing Temporary Treatment and Monitoring Facility o TTMF.

Sa pagtatapos ng programa, namigay ang NCRPO ng maliliit na handog para sa lahat ng mga kababaihan.