LATEST NEWS

PAGBIBIGAY NG ONE COVID-19 ALLOWANCE (OCA) PARA SA MGA HEALTH CARE WORKERS SA METRO MANILA, SINIMULAN NA NG DOH-MMCHD

HPCMU News Release No.022
March 3, 2022

Sa pagpasok ng taong 2022, tuloy pa rin ang pagbibigay ng COVID-19 benefits para sa mga Health Care Workers (HCWs) para sa kanilang pagsasakripisyo sa pagresponde sa COVID-19 pandemic.

Nitong ika-24 ng Pebrero, 2022 nang matanggap ng Las Piñas Doctor’s Hospital ang tseke na nagkakahalaga ng Php 3,000,843 habang tinatayang nasa Php 2,133,760 naman ang inilagak na pondo para sa Medical Center Muntinlupa para sa OCA grant ng kanilang mga HCWs.

Ang OCA ay ipinagkakaloob sa lahat ng HCWs na tumugon sa COVID-19 pandemic alinsunod sa National Action Plan COVID-19 strategy na Prevention, Detection, Isolation, Treatment, Rehabilitation and Vaccination (PDITR+V).

Magiging basehan ng pagbibigay ng OCA Grant ang COVID-19 exposure classification ng bawat HCWs. Isinasaalang-alang din dito ang uri ng health facility kung saan sila nakatalaga, setting ng trabaho, at nature of work.

Ito ay kung saan, ang mga itinuturing na high risk ay makatatanggap ng Php 9,000.00 kada buwan habang ang mga classified bilang moderate ay mabibigyan naman ng Php 6,000.00 at Php 3,000.00 naman sa mga nasa low risk.

Ilan pang mga ospital at clinic sa Metro Manila ay nakatanggap na rin ng pondo para sa kanilang OCA Grant. Ang Alabang Medical Clinic-Muntinlupa ay tumanggap ng Php 433,750.00, SDS Medical Center Inc. Php 662,625.00, Alabang Medical Clinic-Las Piñas Php205,625.00, Trinity Woman and Child Center Php 461,250.00, Las Piñas City Medical Center Php 1, 504,187.50 at Php 919.687.50 naman para sa Christ the King Medical Center Unihealth Las Piñas Inc.

Patuloy naman ang Department of Health sa walang sawang pakikipagtulungan sa Department of Budget and Management upang mas mapabilis pa ang pagpapalabas ng pondo para sa OCA Grant ng mga HCWs.