LATEST NEWS

NON-COMMUNICABLE DISEASE FORUM PARA SA MGA KAWANI NG BJMP-NCR AT PERSONS DEPRIVED OF LIBERTY (PDLS) SA METRO MANILA, NAGING MATAGUMPAY

HPCMU News Release No.018
February 26, 2022

Naging matagumpay ang isinagawang Non-Communicable Diseases (NCDs) Forum para sa mga opisyal at kawani ng Bureau of Jail Management and Penology-NCR (BJMP-NCR) at Persons Deprived of Liberty (PDLs) sa lahat ng City/Municipal jails sa buong Metro Manila sa pamamagitan ng Zoom Meeting nitong araw ng Huwebes, ika-24 ng Pebrero, 2022.

Ito ay naging posible sa ugnayan at pagtutulungan ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) at BJMP-NCR para sa layuning makapagbahagi ng kaalaman tungkol sa mga hindi nakakahawang mga sakit ngunit kailangan pagtuunan ng pansin.

Naghatid ng paunang salita sina BJMP Regional Director Jail Chief Superintendent Luisito C. Muñoz at Head ng Regional Health Services Division, Jail Superintendent Dr. Mayla Chua. Sila ay nagbigay ng pasasalamat sa DOH-MMCHD at binigyang diin ang kahalagahan ng kaalaman tungkol sa NCDs sa gitna ng COVID-19 pandemic.

TInalakay ni Non-Communicable Disease, Prevention and Control Cluster (NCDPCC) Head, Dr. Laila Celino ang apat na non communicable diseases na syang pangunahing sanhi ng pagkamatay sa buong Pilipinas. Kabilang dito ang cardiovascular diseases, diabetes, chronic respiratory diseases at cancer.

Naging sentro ng paliwanag ni Dr. Celino ang mga sumusunod na behavioral risk factors na siyang nagiging sanhi ng mga nasabing karamdaman; (1) paninigarilyo, (2) labis na pag inom ng alak (3) kawalang ng Ehersisyo, at (4) hindi balanseng dyeta.

Upang maiwasan ang ang mga nabanggit na kondisyon, binigyang diin ang mga kampanya at dapat gawin tulad ng (1) Go smoke free o paghinto ng paninigarilyo, (2) Go sustansya o pagkain ng masusustansyang pagkain, (3) Go slow sa tagay o pag-iwas sa pag-inom ng alak, at (4) Go sigla o ang pag-uugali ng pag-eehersisyo, 30 minuto kada araw sa loob ng isang linggo.

Upang magbigay ng kasiyahan sa mga nakilahok sa forum, nagkaroon ng question and answer session kung saan ang mga nakakuha ng tamang kasagutan ay binigyan ng munting token mula sa NCDPCC, DOH-MMCHD.