HPCMU News Release No.017
February 21, 2022
Pormal ng umupo bilang bagong Administrative Officer IV (AO IV) ng Supply Section si Mr. Jose Jake L. Padilla, matapos ang kanyang Oath Taking sa isinagawang Virtual Flag Ceremony ng Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) sa pangunguna nina Regional Director Gloria J. Balboa at Assistant Regional Director Aleli Annie Grace P. Sudiacal, nitong Lunes, ika-21 ng Pebrero, 2022.
Taong 2015 nang unang pumasok si Mr. Padilla sa DOH-MMCHD bilang Job Order Computer Programmer I sa Regional Director’s Office at naging Computer Maintenance Technologist II, makalipas ang isang taon.
Muli naman siyang umangat at naging regular na kawani taong 2017, kung saan siya ay itinalaga bilang Administrative Officer I sa Bids and Awards Committee (BAC) Secretariat Office.
Malugod naman na binati ni Dir. Balboa si Mr. Padilla at hinikayat nito na kaniyang panatilihin ang mabuting trabaho.