LATEST NEWS

DOH-MMCHD REGIONAL DIRECTOR GLORIA J. BALBOA, NAKIISA SA CEREMONIAL TURNOVER NG 10 UNITS NG XNUO M9 OXYGEN CONCENTRATORS SA PNP MULA SA GREAT HEART CHARITY ASSOCIATION AT MAIMAI INFOTECH INC.

HPCMU NEWS RELEASE NO.015
FEBRUARY 14, 2022

Nakiisa si Department of Health-Metro Manila Center for Health Development (DOH-MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa sa Ceremonial Turnover ng 10 Units ng XNUO M9 Oxygen Concentrators mula sa Great Heart Charity Association AT MAIMAI Infotech Inc. sa isinagawang Flag Raising Ceremony ng Philippine National Police (PNP) sa Kampo Crame sa Quezon City, kahapon araw ng Lunes, ika-14 ng Pebrero, 2022.

Ayon kay Mr. Duke Diong, Philippine Honorary Chairman ng Great Heart Charity Association at Chairman ng MAIMAI Infotech, Inc., bagaman hindi gaano kalakihan ang kanilang hatid na donasyon ay umaasa itong makakatulong sa maraming Pilipino ngayong pandemya bunsod ng COVID-19.

Nagpapasalamat rin ito sa lahat ng kapulisan dahil sa pagbibigay serbisyo sa publiko kaya naman malaki rin umano ang respeto nito sa mga pulis na tumatayo bilang mga frontliners sa bansa.
Ipinababatid rin ni Police General Dionardo B. Carlos, Hepe ng Philippine National Police (PNP) ang pasasalamat ng Pambansang Pulisya sa Great Heart Charity Association at MAIMAI Infotech, Inc. sa pagbibigay nito ng 10 Units ng XNUO M9 Oxygen Concentrators na tiyak na makakatulong sa mga general hospitals sa bansa lalo na ngayong nananatiling lumalaban ang bansa sa pandemya bunsod ng COVID-19.

Malaking tulong rin aniya ito upang mapanatili ang kalusugan ng mga pulisya nang sa gayon ay magawa rin nito ang mandato na protektahan ang bawat mamamayang Pilipino.

Sa huli, ay binigyan ng PNP ng token sina Chairman Duke Diong at Dr. Gloria J. Balboa bilang simbolo ng pasasalamat sa patuloy na pagsuporta sa pambansang pulisya lalo na ngayong pandemya bunsod ng COVID-19.