LATEST NEWS

WE VAX AS ONE MOBILE VACCINATION DRIVE SA PITX NG DOTR AT MMDA UMARANGKADA NA

HPCMU News Release No. 007

January 24, 2022

Masayang ibinalita ng Operations Manager ng Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) na si Mr. Jason Salvador na bukas na sa mga commuters at transport workers ang We Vax As One Mobile Vaccination Drive na pinangunahan ng Department of Transporation (DOTr) at Metro Manila Development Authority (MMDA) nitong ika-24 ng Enero 2022.

Sa limang araw na mobile vaccination drive sa PITX ay magbibigay sila ng Astrazeneca bilang first, second at booster dose sa mga eligible population. Layon nila na makapagbakuna ng higit sa limang daan na katao kada araw kaya’t bukas din sila sa mga walk-in vaccinee.

Sa panayam kay Mr. Salvador, sinabi niya na ang pagbabakuna ang simula sa pagtatapos ng pandemya sa bansa. Kaya inanyayahan niya ang lahat na pumunta sa mga vaccination sites at magpabakuna.

Dagdag naman ni MMDA Chairman Benhur Abalos na hindi sila titigil sa pagsasagawa ng mga stratehiya upang makatulong sa adhikain ng Department of Health na mabakunahan lahat ng eligible population kaya target din nila na magtayo ng mga vaccination sites sa mga port (sea ports at airports) areas pati na rin sa mga istasyon ng mga tren at iba pang mga bus terminals kasama ang DOTr upang mas lalo pang magkaroon ng access sa lahat ng eligible population ang COVID-19 vaccine.

Matatandaan na naglunsad rin sa PITX ng TsuperHero Vaccination Program na pinangunahan din ng DOTr para mabakunahan ang mga transport workers.

Dumalo naman sa paglulunsad ng Mobile Vaccination Drive mula MMDA Chairman Benhur Abalos at MMDA General Manager Atty. Romando Artes. Naroon din sina Usec. Artemio “Ochie Tuazon, Assistant Secretary for Road Transport and Infrastructure na si Asec. Mark Steven Pastor at Engr. Alberto Guansing ng DOTr.

Sa mensahe ni Metro Manila Center for Health Development (MMCHD) Regional Director Gloria J. Balboa, ay nagpaabot ito ng pasasalamat dahil sa patuloy na suporta at pakikipagtulungan ng iba pang ahensya ng gobyerno sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.