LATEST NEWS

RESBAKUNA CENTER NA HEALTHWAY MANILA, UMARANGKADA SA COVID-19 VACCINATION

 

HPCMU News Release No.006

January 22, 2022

“Full Circle of Care”. Iyan ang binitawan na salita ni Dr. Suzzane Ringler-Pama, Chief Operating Officer ng Healthway Medical at Dr. Melquecedes de Guzman Head for Medical Quality nang umarangkada sa unang araw ng pilot implementation ang Healthway Manila bilang isa sa mga Resbakuna Klinik for COVID-19 Vaccination.

Kilala ang Healthway Medical bilang isang “one stop shop clinic” kung saan isinasagawa ang mga medical examinations, consultations at ngayon ay bakunahan.

Nito lamang Biyernes, ika-21 ng Enero 2022 ay masayang ibinalita ni Dr. Pama na isa na ang Healthway Manila sa mga Resbakuna Klinik na maaaring puntahan ng mga nais tumanggap ng COVID-19 booster dose. Ipinagmalaki ni Dr. Ringler-Pama at Dr. De Guzman, na bukod sa pagiging Resbakuna Klinik ng Healthway Medical, ay nakapagbukas na rin sila ng mga mega vaccination sites at patuloy na nagsasagawa ng mga RT-PCR testing, kaya naman tunay na “full circle of care” ang kanilang serbisyo.

Mainit naman na sinalubong ng Punong Barangay ng barangay 669 na si Chairwoman Cynthia B. Llorente sina DOH Assistant Secretary Elmer G. Punzalan at Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria J. Balboa. Kasama naman na dumalo sa symbolic vaccination ang Manila COVID-19 Vaccination Center sa pangunguna ni Ms. Jacqueline Sevilla.

Samantala, sa mensahe ni Reg. Dir. Gloria J. Balboa, ang pagbubukas ng mga COVID-19 vaccination sa mga botika at klinik ay isang malaking hakbang upang mas lalo pang maging accessible ang mga bakuna sa mga eligible groups. Aniya “we want to reach as many as we can”. Dagdag pa ni Dir. Balboa na hindi magagawa ng gobyerno lang ang lahat ng mga hakbang laban COVID-19 kundi sa tulong at kooperasyion din mula sa mga private sectors.

Labis naman na pasasalamat ang ibinahagi ni Reg. Dir. Gloria J. Balboa sa Healthway Medical sa pagbubukas ng pinto nito sa mga nais na magpabakuna.

Inaasahan naman magtuloy-tuloy ang pagbabakuna sa mga botika at mga klinik dahil sa posibilidad na magbukas din ng COVID-19 vaccination sa iba pa nilang branch.