LATEST NEWS

TURNOVER NG ANTIGEN TEST KITS AT CASH ASSISTANCE NG PITMASTER FOUNDATION INC. SA 17 LGUS NG NATIONAL CAPITAL REGION PARA SA COVID-RESPONSE

HPCMU News Release No.004

January 19, 2022

 

“Serve more, serve better”. Iyan ang binitawan na salita ni Executive Director Atty. Caroline P. Cruz ng Providing Indigents with Timely Medical Assistance, Service, and Targeted Emergency Relief (PITMASTER) Foundation Inc. nang isagawa ang pag-turn over ng P50 milyong halaga ng antigen kits at P50 milyong cash assistance para sa pagtugon sa COVID-19 sa lokal na pamahalaan ng National Capital Region (NCR).

Ika-19 ng Enero nang tanggapin ng mga City Health Officers (CHOs) ng 17 Local Government Unit (LGU) ang mga kahon-kahon na antigen test kits at 50 million na cash assistance mula sa PITMASTER Foundation Inc.

Ang PITMASTER Foundation Inc. ay isang organisasyong pangkawanggawa na may matibay na ugnayan sa mga komunidad at mga institutional partners. Isa din ito sa pinakamalaking pribadong sektor na pinagkukunan ng tulong medikal at pinansyal sa mga mahihirap.

Sa ceremonial turn over, binigyang diin ni Usec. Epimaco V. Densing ng Department of Interior and Local Government-NCR (DILG-NCR) at lead ng Sub Task Group on Communities Response NTF Against COVID-19 ang whole of nation approach upang labanan ang COVID-19 pandemic sa bansa. Aniya, “Government is right that this pandemic cannot be won by simply government, but everybody should have a share.”

Dagdag naman ni MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr. “we will only survive kung magtutulungan tayo.”

Dumalo sa ceremonial turnover ng antigen kits at cash assistance sina MMDA Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr., MMDA Chief of Staff Michael C. Salalima, MMDA General Manager Atty. Romando S. Artes, Usec. Epimaco V. Densing ng DILG-NCR Sub Task Group on Communities Response NTF Against COVID-19 at Department of Health-Metro Manila Center for Health Development Regional Director Gloria J. Balboa.

Paalala naman ni Reg. Dir. Gloria J. Balboa na mga properly trained personnel sana ang gumamit ng mga antigen kits upang masiguro ang kalalabasan ng rapid testing.

Sa pagtatapos ay nagpasalamat si Dir. Balboa sa PITMASTER Foundation Inc. sa patuloy na pagsuporta sa programa ng Departemnt of Health at pagtulong sa mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo ng COVID-19 sa bansa.